LeIsUrE aCtIvItY
-
Back to work na naman, nakakapanibago wheeww. Actually, di lang naman puro lakwatsa ang ginawa ko. Naisingit ko lang yung pagsama sa mag-switharts na kd at ann, at sa mga bata. Nakita nyo naman ang mga pictures sa blog ni ann kung gaano kami kasaya.
Siguro dapat ko ng sabihin kung ba’t lagi akong nasa al-khobar every weekend. Ako po’y isang member ng all male choir na tinatawag na ‘prime note ensemble’- the 1st filipino acapella choir in saudi arabia na may 33 members. Matagal na akong niyayaya ng school mate ko ng highschool na kumpare pa, ngunit ng july ko lang napagdesisyunan. Nag-audition ako sa grupo, tapos after one week nakatanggap na ako ng tawag na pumunta sa praktis nila. Kapag bago ka pa lang ikaw ay nasa probationary period or trainee. Napasok ako sa trainee na agad, pero kailangan ko pa rin sumunod sa mga rules and regulations nang grupo na hindi naman kabigatan.
Masarap na mahirap sa grupo, kapag malapit na ang show kahit weekdays may praktis kaya minsan antok-antok pa pagpasok sa ofis. Ikaw ba naman ang bumiyahe ng mahigit sa 100km,nag-iisa lang kasi ang sasakyan kaya may 2 tao talagang mamamasahe. Pito kaming members na nakabase sa jubail. Sa pagkanta di naman ako nahirapan dahil member din ako ng church choir sa pinas. Sa ngayon marami na rin akong natutunan, katulad ng vocal placement, pagbabasa ng mga nota, etc… Pero ang mas importante ay ang nakita kung samahan, pagtutulungan sa iba’t ibang aspeto ng buhay lalo na ang pagkaroon ng beneficiaries sa bantay-bata163 taon-taon, pati na rin ang bantay-kalikasan ng abs-cbn.
Sa November 03, guests kami sa isang Filipino Fun Day , organized by OKOR (order of the knights of rizal) kaya dibdiban na naman ang praktis. Take note, unang salang ko eto sa entablado dito. Ang huli kung pagsasayaw ay noong college pa ako sa isang organisasyon namin. Ang repertoire namin na may choreography ay ang mga sumusunod, ‘mamayang hatinggabi’, ‘inday, inday sa balitaw’ at ‘kalesa’.

Here are some pictures from our thanksgiving concert last September 21 inside saudi aramco compound…

Last July, the group for the first time competed in the 2006 world choir games organized by musica mundi which was held in xiamen, china. They represented saudi arabia and brought home a bronze medal. Next choir olympics will be on July 2008, graz austria… Hope makasama ako…
Check this for more details about us.
Nak nang… alas kwatro na pala ng hapon, naiwanan na ako ng service waaahhh… tatawag na naman ako nito ng susundo sa akin wheeew… nalibang kasi eh hayyy…
More updates later… maraming salamat sa mga dumadalaw…
October 28th, 2006 at 1:26 pm
Akalain mo sumasayaw ka pala, pakner! hehehe.. Sampol naman dyan!
Ayan, naiwanan ka tuloy, naaliw ng sobra e… hala cge at habol na!
October 28th, 2006 at 2:53 pm
Yan ha! Official na talaga ang announcement kung bakit ka regular dito sa Khobar every weekend.
Napamahal tuloy ang update mo, magbabayad ka pa ng taxi nyan.
October 28th, 2006 at 10:54 pm
huwaw naman si pare ko… lahat na lang kinarir! kakaiba ka talaga pre! hhehe! gudlak sa’yo, sana nga makasama ka na sa austria at ng makapagpakitang-gilas ka doon! hehehe!
naku pow… hala.. habol naaa!!! yay!
October 29th, 2006 at 12:41 am
waw. haha. halupet mo naman pala. kumakanta pati sumasayaw ka.
sana ako rin gifted sa mga bagay na ganyan. nyahaha.
October 29th, 2006 at 1:35 am
aba!
talentado ka palang talaga eh:) okay yan at least dyan hindi ka mapapariwara.
October 29th, 2006 at 5:45 am
wow… concert! naku! pinoy talent ka pala! pinoy pride!!! amaze them all oki… goodluck sa concert!
have fun at work. and thanks for the greeting.. (;
October 29th, 2006 at 5:54 am
Wow naman… napaka-talented pala ni Kneeko… nagdo-drawing na, kumakanta at sumasayaw pa! Parinig nga ng boses!!!
October 29th, 2006 at 6:22 am
wow, kneeks multi-talented ka pa e. gleng-gleng naman!
October 29th, 2006 at 7:24 am
… lol! inubos mo na lahat ng talent
what u want to prove more? aww believe na po kami…. [:P]
… so tapos na bakasyon grande mo? back to work huh? ^_^ gudlak po…. and paramdam ka po minsan! di nga ako blogging for 2 weeks lol! nakisabay lang sa inyo…para may excuse ako sa lazy-syndrome ko hehe [:D]
ingatz po!
cheers**
October 29th, 2006 at 9:16 am
naka naman.. talentado talaga.. hehe
ingat brad! woot masaya dun sa park na yon o.
October 29th, 2006 at 11:35 am
baket d mo post yung pakner mo na gawa ni kd, sayang yun! ganda pa naman scrapp!!!
October 29th, 2006 at 12:39 pm
‘Yan ang Pinoy, talentado kahit saan dalhin. Good luck sa singing career mo, at dancing na rin, he he he.
October 29th, 2006 at 1:08 pm
Aba ibang career level na nman ito Ama.. ang sweet mo nman nag gudmorning ka sa aking after 2 years hahahha!!!
October 30th, 2006 at 12:28 am
hahaha! i saw the pictures.. mukhang mas nag-eenjoy ka pa kesa dun sa bata! hahaha!
naks naman si kuya.. naka-barong.. kunyari pormal! hehehe..
ayos yan… nakaka-rating ka kung saan-saan, nakakatulong pa kayo lalo na sa mga bata..
good luck sa concert.. hataw! hahaha!
ingat lage, kuya!
October 30th, 2006 at 5:08 am
@sasha, sampol ba? pgkatapos ng show ipost ko d2 hehehe
honga eh.. matagal kasi nag-update eh nalibang…
@ann,ganun nga hehe… di naman ako nagtaxi, nagpasundo na lang sa ibang service..
@rho, eto talaga kakaririn ko na hehe… salamat.
sana nga makasama sa austria… sakto naman kasi sa bakasyon ko.
@camille, di naman sagad… praktis lang po…
kaya mo rin yan
@jlois, dre di na nga ako mapapariwara d2 hehehe
@jamie, yup we are very proud dahil hindi lang pinoy ang nanonood, ibat’t ibang lahi.
thanks po…
@wendy, next time na lang parinig hehehe…
@malaya, nagkataon lang at hilig ang arts hehehe
@kathy, nabuhay ka rin ah wheeww… yup bak to work na naman nakakapanibago. parang bakasyon ka nga rin hehe..
suportahan mo kami huh hehhe
@jong, 1st time ko pumunta sa park na un… hehehe
@mmy-lei, hmmmpp… di na ko magpapakita ng pix na merong di kanais-nais hehe..
@arch, salamat gid ah…hehe
@naktubi, honga eh hehehe.. mownin ulit
@din-din, minsan lang ako makababa sa siyudad kaya nag-enjoy ako kasama ang mga bata hehe
pinagpapawisan nga ako sa barong eh, para akong nasasakal hehe.. un ang importante nakakatulong sa kapwa… minsan may mga computer package din para sa schools..
salamat po…
October 30th, 2006 at 5:09 am
waw!! napakagifted naman pala natin … teehhihihi..
saya.. wah.. mukang ang saya saya mo ah.. wah! keep it up!
October 30th, 2006 at 10:12 am
Wow…iba n tlga ang mga kagalang-galang… Ibang level!!!! Btw, tnx sa greetings….
October 30th, 2006 at 3:20 pm
Lolo Baldo, psensya na medyo di kita na bisita dito hehhe na busy lang ang lola.
Aww.. mukhang super busy ah! SA susunod ingat ka sa bola hehhe
Have fun!
October 30th, 2006 at 8:39 pm
Good! Now it’s official, hehehe.
Acapella is one of the hardest choir group because you have to have a sharp ear & a good sense of music without any accompaniment. Obviously, you had both and your love of music to endure a 100+Km trip just to practice with the group.
You’re really an all-around versatile guy ha? Hey Nic, galing mo, (but never be complacent with your job) ha?
Angat ang Pinoy! Always!